Mga Sulat sa Repleksyon ng Buwan

For the past few weeks, I have been searching for a homey feeling. My house was a home, but a home can also not be a house. A home is somewhere you can be your true self, your most comfortable, one you can spend your happiness and loneliness.

On my way home earlier, Ang Bandang Shirley’s Nakauwi Na was on repeat.

And then I was reminded of the fact that a person could be a home. Your bivouac. Your safe place. The way your childhood stuff toy gives you the warmth of home is the same warmth you feel when you are in a person’s arms. Her scent reminds you of your bedroom, hints of cologne and shampoo with a familiar scent of old books. The sound of tranquility when you talk (or not talk), making thoughts noisy and surroundings quiet. The sight of familiarity, as you look to her eyes, and you see yourself on the way home.

And so I remember the chorus of the song:

“Kahit sandali lang, basta’t makasama ka
Kahit mamaya-maya lang, ako’y uuwi na.
Kahit walang katapusan, ‘di kita iiwan
Basta’t makasama ka, ako’y nakauwi na.”

That reminded me of this poem I made for someone I hold dear (circa 2015!). Enjoy, I guess? 🙂


Halika, hiramin muna kita sa mundo;
Dalawampung minuto’y di sapat, siguro isang oras o buong magdamag.

Halika, hiramin muna kita sa mundo,
Tayo’y maglakad at lisanin ang katotohanan,
Bilangin natin ang mga tala,
Pagmasdan ang hugis ng mga madilim na ulap,
Tingnan ang mga repleksyon natin sa buwan;

Halika, hiramin muna kita sa mundo,
Tayo’y mag-usap na parang nakasanayan,
Magpalitan ng ngiti’t tawa sa pagkumpas ng hangin,
Pakinggan ang mga tinig ng kuliglig,
Hanapin natin ang liwanag sa dilim;

Halika, hiramin muna kita sa mundo,
Sa mundong puno ng sakit ng ulo,
O sa mga problemang nananakit ng puso,
Takasan muna natin ang mapait na katotohanan,
Mabuhay muna tayo sa matamis na ilusyon.

Halika, hiramin muna kita sa mundo,
At isasama kita sa aking mundo.
Mundong itinatag nating dalawa,
Walang makakapasok kundi tayo lang,
Sa bulang puno ng tawa at ligaya,
Walang humpay na away,
Walang tigil na luha,
Tayo’y magsasama.
Iwan muna natin ang iba,

Huwag nating hayaan na masira ang ating saglitang panaginip,
Ang ating bula,
Ang atin.
Halika, hiramin muna kita sa mundo.
Masyadong mabilis ang oras.

Halika, hiramin muna kita sa mundo.
Maghihintay lang ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s